Bayabas, Surigao Del Sur niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur.
Ayon sa Phivolcs ang lindol ay naitala sa layong 14 kilometers southeast ng Cagwait 3:14 ng hapon ng Linggo, June 27.
May lalim na 36 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Intensities:
Intensity IV – Bayabas, Cagwait, Marihatag at Hinatuan, Surigao del Sur
Intensity III – Bislig City; Dapa, Surigao del Norte; Gingoog City at Magsaysay, Misamis Oriental
Intensity II – San Francisco, Southern Leyte; Cagayan de Oro City, Balingasag at Villanueva, Misamis Oriental
Intensity I- Surigao City
Hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol pero nagbabala ang Phivolcs sa posibleng aftershocks.