Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 14,600 na
Sumampa na sa mahigit 14,600 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.
Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 258 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 14,687 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 7,159 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 714 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 162 dahilan para umabot na sa 6,814 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 8,467 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 2,825
Mandaue City – 1,639
Lapu-Lapu City – 1,598
Negros Oriental – 85
Bohol – 73
Siquijor – 0