Provisional appointment ng 1,700 na senior high school teachers pinalawig pa ng CSC
Pinalawig ng isang taon pa ang provisional appointment ng nasa 1,700 na senior high school (SHS) teachers na kinuha ng Department of Education (DepEd) noong 2016.
Ang provisional appointments ng nasabing mga guro ay makataldang mapaso sa katapusan ng Hulyo ngayong taon.
Pero ayon kay Education Undersecretary for Planning and Human Resource and Organization Development Jesus Mateo , inaprubahan ng Civil Service Commission (CSC) ang pagappalawig sa kanilang appointment.
Sa pamamagitan nito sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na malaking bagay ito para masigurong magpapatuloy ang teaching services sa SHS.
Ang pagkuha sa 1,700 SHS teachers noong 2016 ay salig sa Republic Act (RA) No. 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013 kung saan pinapayagan silang magturo sa Senior High School sa kondisyong maipapasa nila dapat ang LEPT sa loob ng 5 taon. (Dona Dominguez-Cargullo)