4 pang Delta variant ng COVID-19 na-detect sa bansa ayon sa DOH

4 pang Delta variant ng COVID-19 na-detect sa bansa ayon sa DOH

May dagdag na pang mga kaso ng iba’t ibang COVID-19 variants sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), iniulat ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ang University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) ang detection ng apat pang Delta (B.1.617.2) variant cases, labingapat na Alpha (B.1.1.7) variant cases, dalawampu’t isang Beta (B.1.351) variant cases, at isang Theta (P.3) variant case.

Ito ay base sa pinakahuling whole-genome sequencing report.

Ang apat na dagdag na Delta variant cases ay pawang Returning Overseas Filipinos (ROF) na crew ng MV Eastern Hope na nakadaong sa South Korea.
Dumating sila sa bansa noong June 3, 2021. Dalawa sa kanila ang nakumpleto na ang 10-day isolation at na-discharge na matapos maka-recover .

Habang ang isa ay naka-admit pa sa ospital.

Ang ikaapat na kaso naman ay Returning Overseas Filipino din galing Saudi Arabia.

Natapos na din niya ang isolation at nakalabas na ng isolation facility matapos maka-recover.

Sa ngayon ayon sa DOH, umabot n asa labingpito ang total number ng Delta cases sa Pilipinas.

Sa labingapat naman na dagdag na Alpha variant cases, ang labingdalawa ay pawang local cases habang ang dalawa ay patuloy pang bineberipika kung sila ay local o ROF.

Dalawa sa labingapat na tinamaan ng Alpha variant cases ang pumanaw habang ang labingdalawa ay gumaling na.

Ang kabuuang bilang ng Alpha variant cases sa bansa ay 1,085 na.

Sa dalawampu’t isang dagdag na Beta variant cases naman, ang dalawampu ay pawang local cases habang ang isa ay inaalam pa kung local o ROF case.

Dalawampu naman sa tinamaan ng Beta variant ang gumaling na habang isa pa ang nagpapagaling.

Amg total Beta variant cases sa bansa ay 1,267 na.

Ang isang dagdag na Theta variant case ay inaalam pa din kung local o ROF case pero ang pasyente ay gumaling na. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *