7 pang Pinoy tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa

7 pang Pinoy tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa

Nadagdagan ng pito pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.

Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) araw Linggo, June 20, sa kabuuan 20,431 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.

Wala namang nadagdag sa bilang ng mga Pinoy sa abroad na gumaling sa sakit.

Sa kabuuan, 12,096 na ang gumaling habang 7,115 pa ang sumasailalim sa gamutan.

Nasa 1,220 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawing Pinoy sa ibang bansa dahil sa COVID-19. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *