Pamahalaan sinuspinde ang pagpapadala ng mga OFW sa Oman
Sinuspinde ng pamahalaan ang deployment ng mga Overseas Filipino Workers sa Oman.
Sa resolusyon ng Governing Board ng POEA, nakasaad na mayroong temporary suspension sa deployment ng mga OFW sa Oman.
Ayon sa Department of Labor and Employment, ito ay makaraang magpalabas ng kautusan ang pamahalaan ng Oman na nagbabawal na makapasok sa nasabing bansa ang mga biyahero na galing ng Pilipinas.
Noong June 5, pinalawig pa ng Oman “indefinitely” ang nasabing kautusan.
Ayon sa POEA, babawiin lamang ang deployment ban kapag muling pinayagan ng Oman ang pagbiyahe sa kanilang bansa ng mga galing ng Pilipinas.