Internet speed sa Pilipinas umangat sa global rankings

Internet speed sa Pilipinas umangat sa global rankings

Malaki ang naging pag-angat sa global rankings ng internet speed sa Pilipinas.

Ito ay kung ang pagbabatayan ay ang May 2021 Ookla Speedtest Global Index report na nagpapakita ng pagtaas sa global rankings ng bansa pagdating sa bilis ng internet.

Ayon sa report, sa fixed broadband, ang average download speed ng bansa ay 58.73Mbps o katumbas ng 15-notch monthly increase, habang 31.97Mbps naman sa mobile o katumbas ng 7-notch monthly increase.

Ang monthly improvement sa bilis ng internet service sa Pilipinas ay maituturing na ikatlo sa buong mundo sa dalawang kategorya.

Ang fixed broadband speed sa bansa ngayon ay nasa pang 65 na mula sa 180 na mga bansa. Habang nasa pang 77 naman mula sa 137 na bansa pagdating sa mobile.

Noong November 2020, ang average download speeds ng Pilipinas para sa fixed broadband ay nasa pang 103 at pang 110 sa mobile.

Ang mabilis na pag-angat ng bansa sa sa global ranking sa nagdaang mga buwan ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang proseso sa LGU permits para sa pagtatayo at pagpapabuti ng telco infrastructure.

Sa 50 mga bansa sa Asya, ang internet speed sa Pilipinas ay nasa pang-17 pwesto na sa fixed broadband at pang-23 para sa mobile.

Sa Asia-Pacific naman ang Pilipinas ay nasa pang-14 na pwesto sa fixed broadband at pang-12 sa mobile mula sa 46 na mga bansa.

Sa ASEAN ay nasa pang-5 pwesto na ang bansa sa fixed broadband at mobile mula sa 10 mga bansa.

Ang pinakahuling fixed broadband download speed sa Pilipinas ay katumbas ng improvement na 642.50% mula nang mag-umpisa ang Duterte administration noong July 2016.

Habang ang latest mobile speed ay katumbas ng improvement na 329.70%.

Inaasahan pang magpapatuloy ang pagpapabuti ng mga telco sa kanilang telco infrastructure dahil sa pagsunod ng mga LGU sa Joint Memorandum Circular (JMC) No. 01 s. 2020 ng Department of Information and Communications Technology, Department of Interior and Local Government, Anti-Red Tape Authority, at iba pang ahensya.

Welcome din sa National Telecommunications Commission, PLDT, Globe, Converge at DITO ant inisyatiba ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan pinapayagan ang mga telecommunication companies na okupahin ang bahagi ng Right of Way (ROW) ng gobherno para sa kanilang mga itinatayong imprastraktura na makapagpapabuti sa serbisyo ng internet.

At ngayong operational na ang DITO Telecommunity sa 100 lungsod sa bansa, kapwa din nagtaas ng kanilang capital expenditures ang Globe at Smart ngayong taon.

Ang Globe ay naglaan ng P70 billion, habang ang Smart ay P92 billion ngayong taon.
Ang kumpanyang Converge naman ay inaasahang magtataas din ng capital expenditure nito mula sa P19 billion noong 2020 ay gagawin itong P20 billion ngayong taon.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *