3 patay sa insidente ng pamamaril sa Alabama
Patay ang tatlong katao makaraang magpaputok ng baril ang isang lalaki sa Albertville, Alabama.
Dalawa sa mga nasawi ay tinamaan ng bala ng baril mula sa suspek, at ang ikatlong nasawi ay ang suspek matapos siyang magbaril sa sarili.
Mayroon ding dalawa pang nasugatan ayon sa Albertville Police.
Nangyari ang pamamaril sa gawaaan ng fire hydrants.
Tumakas pa ang suspek matapos ang pamamaril pero kalaunan ay natagpuan ito ng mga otoridad na wala nang buhay.
Samu’t saring mga baril din ang natagpuan sa kaniyang sasakyan.