Nasa likod ng pagpapasabog sa Masbate City pinatutugis ni Eleazar

Nasa likod ng pagpapasabog sa Masbate City pinatutugis ni Eleazar

Pinatutugis ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na nasa likod ng pagsabog sa Masbate City.

Nasawi sa nasabing pagsabog ang isang football player ng Far Eastern University at kaniyang pinsan.

Ani Eleazar malayo pa sana ang mararating ng manlalaro na si Keith Absalon kung hindi dahil sa mga teroristang NPA.

“Mariin naming kinokondena ang pambibiktima ng NPA sa mga inosenteng sibilyan at hindi kami titigil sa pagtugis sa mga teroristang ito,” he said, and added, “Nakikiramay po ang buong PNP sa mga pamilya ng mga nasawi sa insidente,” ayon sa PNP chief.

Batay sa ulat, sumabog ang improvised explosive device (IED) sa Barangay Anas kung saan nagbibisikleta ang mga biktima.

Inatasan ni Eleazar ang pulisya sa Masbate na tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa lugar at paigtingin ang police visibility.

“I am directing all police personnel, particularly in NPA-infested areas, to be on high alert and undertake target hardening measures for possible future attacks by these communist terrorists,” ani Eleazar.

Inatasan din ni Eleazar ang pulisya na makipag-ugnayan sa militar para sa pagsasagawa ng manhunt operations laban sa mga suspek.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

2 thoughts on “Nasa likod ng pagpapasabog sa Masbate City pinatutugis ni Eleazar

  1. Admiring the time and energy yoս put into your
    blog and in depth information you offer. It’s great to come
    across a blog every once in a while that isn’t
    the same oսt of date rehashed informatiοn. Wonderful
    read! I’ve saved your site and I’m including your RSS feeds to my Google account.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *