MECQ iiral sa Davao City mula June 5 hanggang June 20
Inaprubahan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang hiling ng pamahalaang lungsod ng Davao na maisailalim ang lungsod sa modified enhanced community quarantine.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iiral ang MECQ sa Davao City mula June 5 hanggang June 20, 2021.
Hiniling ni Davao City Mayor Sara Duterte sa IATF ang pagsasailalim sa MECQ ng lungsod dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Ayon sa alkalde, ang Southern Philippines Medical Center ay nasa critical utilization rate na dahil sa dami ng mga pasyente.
Samantala, inaprubahan din ng IATF na maisailalim sa General Community Quarantine (CGQ) ang General Santos City simula June 5 hanggang June 30, 2021. (Dona Dominguez-Cargullo)