Mga tauhan at heavy equipment ng DPWH handa nang i-deploy sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Dante sa Region 8
Naka-standby na ang mga tauhan at mga kagamitan ng Department of Public Works and Highways Region VIII.
Kabilang sa mga inihanda na ay ang mga maintenance crew, drivers, heavy equipment operators at mga heavy equipment.
Ito ay para matiyak ang agarang pagtugon sa sakaling manalasa ang bagyong Dante.
Mahigit 200 equipment ang nakahanda na para magsagawa ng clearing operations kung kakailanganin.
Sa datos ng DPWH Region VIII, lahat ng national roads at mga tulay sa Eastern Visayas ay passable pa. (Dona Dominguez-Cargullo)