Ilang lalawigan sa Visayas nakasailalim sa signal number 2 dahil sa Bagyong Dante
Mas maraming lugar sa Visayas at Mindanao ang nakasailalim sa tropical cyclone wind signal number 2 at 1 dahil sa bagong Dante.
Ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 310 km East ng Surigao City, Surigao del Norte o sa 380 km East ng Maasin City, Southern Leyte.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong
Northwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Eastern Samar, Samar, at Northern Samar
Signal number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– Masbate
– Sorsogon
– Albay
– Catanduanes
– Camarines Sur
– Camarines Norte
– southeastern portion ng Quezon
– Leyte
– Southern Leyte
– Biliran
– northern portion ng Cebu
– northern portion ng Surigao del Sur
– northern portion ng Agusan del Sur
– northern portion ng Agusan del Norte
– Dinagat Islands
– Surigao del Norte
Ngayong araw, makararanas ng maktamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Eastern Visayas, northern portion ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Sorsogon, at Masbate.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Catanduanes, Albay, Camarines Sur, Misamis Oriental, Agusan del Sur, Camiguin, Bukidnon, Davao Region, at SOCCSKSARGEN, at sa nalalabing bahagi ng Central Visayas.
Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay tatama sa kalupaan ng Eastern Sama mamayang gabi o bukas ng umaga at saka tatawid sa bisinidad ng Camarines Sur-Catanduanes area.
Sa susunod na 48 oras ay lalakas pa ang bagyo at aabot sa severe tropical storm category.