Ikatlong Distrito ng Caloocan, aprubado na

Ikatlong Distrito ng Caloocan, aprubado na

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Roa-Duterte ang pagkakaroon ng ikatlong distrito ng Lungsod ng Caloocan.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11545, hahatiin ang unang distrito ng Caloocan sa dalawa at mapapasailalim sa District 1 ang mga Barangay 1 hanggang 4, 77 hanggang 85, 132 hanggang 177 habang nasa District 3 naman ang Barangays 178 hanggang 188.

Nagpasalamat naman si Caloocan Mayor Oscar Malapitan kay Pangulong Duterte, Congressman Along Malapitan at sa lahat ng sumuportang senador at congressman sa pagsusulong sa paghahati ng Unang Distrito ng Caloocan.

Sinabi ni Malapitan na sa pamamagitan ng panukalang ito ni Cong. Along ay mas mabibigyan ng boses ang mga mamamayan ng Caloocan sa Kongreso at higit na matututukan ang pangangailangan ng mga ito.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *