Paalala ng DepEd, face-to-face na seremonya para sa graduation at recognition bawal pa rin
Hindi pa rin pinapayagan ang pagsasagawa ng face-to-face ceremony para sa graduation o recognition.
Paalala ito ng Department of Education kasunod ng paglalabas ng “End of School Year” guidelines.
Ayon sa DepEd, maaring gawin ang seremonya sa pagitan ng July 12 hanggang July 16 sa pamamagitan ng virtual ceeremony.
Maari umanong makapagdaos ng maiksing programa online o mas mababa sa dalawang oras bilang konsiderasyon sa internet connectivity.
Tanging ang mga completers at kanilang magulang, guardians, guro, at school administrators ang pwedeng dumalo sa virtual rites.
Maari ding i-broadcast ng paaralan ang kanilang virtual rites sa kanilang social media platforms.