Napaulat na travel ban para sa mga “unvaccinated” OFWs sa Saudi Arabia itinanggi ng DFA

Napaulat na travel ban para sa mga “unvaccinated” OFWs sa Saudi Arabia itinanggi ng DFA

Hindi totoo ang mga ulat na may travel ban para sa mga “unvaccinated” na Overseas Filipino Workers sa Saudi Arabia.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Dodo Dulay, batay sa regulasyon na ipinatutupad sa Saudi Arabia, ang mga OFW na hindi nabakunahan ng “KSA authorized vaccines” ay kailangan lamang sumailalim sa Day 1 at Day 7 PCR Test.

Sasailalim din sila sa mandatory na 7-day institutional quarantine pagdating sa Saudi Arabia.

Sa ilalim ng Institutional Quarantine, isasagawa ang quarantine sa pasilidad na pinamamahalaan ng Ministry Health Office (MHO) sa loob ng pitong araw.

Ang bayad para sa nasabing pasilidad ay isasama na sa bayayarang presyo ng airline ticket.

Lahat ng non-Saudis na hindi pa nababakunahan ay obligadong sumailalim sa institutional quarantine.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *