Walang deployment ban sa Israel, pero actual departure ng mga OFW suspendido muna ayon sa DOLE
Walang ipinatutupad na deployment ban sa Israel sa kabilang ng umiiral na kaguluhan doon.
Ayon kay Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, tuloy ang pagproseso sa dokumento ng mga nauna nang nag-qualify para sa deployment.
Pero ayon kay Bello, suspendido muna ang actual departure o ang pagpapaalis sa kanila habang mataas pa ang tensyon sa nasabing bansa.
Pakiusap ni Bello sa mga paalis na OFW, partikular ang mga caregivers at health care workers na ipagpaliban muna ng Ilang araw ang kanilang biyahe upang hindi sila mapahamak.
Ani Bello, kung may mangyari sa mga aalis na OFW ay siya ang sasagot nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Bello, ilang araw lamang naman ang magiging delay sa kanilang pag-alis basta’t matiyak lamang ang kanilang kaligtasan.