Mga residente nadismaya sa gumulong sistema ng pagbabakuna sa Montalban matapos alisin sa pwesto ang MHO chief

Mga residente nadismaya sa gumulong sistema ng pagbabakuna sa Montalban matapos alisin sa pwesto ang MHO chief

Dismayado ang mga residente sa naging magulong sistema ng pagbabakuna sa Montalban, Rizal simula kahapon.

Kasunod ito ng biglaang pagtatanggal sa pinuno ng Municipal Health Office ng Montalban na si Dra. Carmela, Javier at nagtalaga muna ng OIC sa MHO.

Batay sa mga post sa social media ng mga netizen, maraming senior citizen ang pumila kahit napakainit ng panahon.

Kahapon sa Brgy. Burgos, nagbigay ng numero na hanggang 400 subalit hanggang 300 lamang pala ang available na bakuna.

Isang netizen din ang nagsabi na alas 8:30 ng umaga ay nakapila na ang kaniyang nanay at tatay sa vaccination site sa Municipal Gymnasium.

Gayunman, pinauwi sila dahil 200 lamang ang kayang bakunahan.

Ayon kay Raquel Santos, nakita rin nilang mula sa exit ay may mga pinapapasok at tinatawag sa loob para bakunahan.

Kita din sa mga larawan na ibinahagi sa social media na halos hindi na nasusunod ang social distancing sa mga pila sa vaccination sites.

Noong nasa pwesto pa si Javier, maayos ang proseso ng vaccination mapa-drive thru man o fixed post.

Kahit tumatanggap ang MHO ng walk-ins o yung mga hindi nakarehistro ay nagiging maayos ang proseso ng pagbabakuna at hindi nagkakagulo.

Ayon sa MHO, simula nang maalis sa pwesto si Javier noong May 18 ng hapon, ang pagpapatakbo sa vaccination process ay pinamahalaan ng mga Barangay at mga Homeowners Association.

Nakasaad din sa post ng MHO na marami pang bakuna na available sa MHO kaya marami dapat ang mababakunahan basta’t maayos ang sistema at pagpapatakbo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *