Coast Guard nakatanggap ng 1 speedboat at 4 na personal watercraft sa Cavite Provincial Govt.
Tumanggap ang Philippine Coast Guard (PCG) ng isang unit ng twin-engine speedboat at apat na unit ng personal watercraft mula sa Provincial Government ng Cavite.
Ayon kay PCG District NCR – Central Luzon Commander, Commodore Leovigildo Panopio, malaking tulong ang mga ito sa pagpapaigting ng presensya ng PCG sa lalawigan.
Gagamitin din ang mga ito sa pagpapatupad ng maritime laws at search and rescue operations sa vicinity waters ng Cavite.
Nagpasalamat naman si Panopio kay Cavite Governor Jonvic Remulla sa ipinagkaloob na assets.
Tiniyak ni Remulla na buo ang suporta ng Cavite sa PCG sa pagganap nito sa tungkulin.