Deputy chief of Police sa Tarlac nasawi sa COVID-19

Deputy chief of Police sa Tarlac nasawi sa COVID-19

Pumanaw dahil sa COVID-19 ang deputy chief of police sa isang munisipalidad sa lalawigan ng Tarlac.

Ang nasawi na 48 na pulis ang ika-62 COVID-19 fatality sa PNP.

Batay sa ulat ng PNP Health Service kay PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar nagpositibo sa COVID-19 ang pulis noong May 5 at agad itong dinala sa quarantine facility.

Noong May 10 ay nakaranas ito ng hirap sa paghinga at agad inilipat sa ospital.

Pero noong May 16 ay binawian ito ng buhay dahil sa pneumonia.

Sa datos ng PNPHS, umabot na sa 22,207 ang kabuuang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 20,582 na ang gumaling habang 1,383 naman ang active cases.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *