P41.3 million na halaga ng marijuana winasak ng PDEA sa taniman sa Kalinga at Benguet
Winasak ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga tanim na marijuana sa Kalinga at Benguet.
Ang operasyon ay bahagi ng programa ng PDEA na tinawag na “Bathala” na layong mawasak ang mga plant sites at maaresto ang mga nasa likod nito.
Sa Tinglayan, Kalinga, winasak ng PDEA ang 80,000 fully grown marijuana plants na nakatanim sa 800 square meter lot at 210 kilos pa ng dried marjuana leaves.
Tintayang aabot sa P41.2 million ang halaga ng mga winasak na pananim sa Barangay Loccong.
Sa lalawigan naman ng Benguet, natuklasan ng PDEA ang mga tanim na marijuana kasama ang mga tanin na repolyo.
Aabot sa P120,000 ang halaga ng mga sinirang marijuana at naaresto ang suspek na si Michael Bitabit.
Huli ito sa aktong nagbibilad ng mga bagong ani na marijuana.