LOOK: Evening gown na isusuot dapat ni Rabiya Mateo kung siya ay nakapasok sa Top 10
Nairampa pa rin naman ni Rabiya Mateo ang maganda niyang evening gown na ipanglalaban niya sana kung nakapasok siya sa Top 10.
Isinuot ni Rabiya ang orange gown nito sa appearance ng mga kandidata sa introduction ng Evening Gown competition.
Ang orange dress ni Rabiya ay likha ng Dubai-based Filipino designer na si Furne One Amato.
Ang orange dress ay “sarimanok” inspired na mayroong hyacinth Swarovski crystals, glass beads, at paillettes.
Ang kulay na orange ay nagpapahiwatig ng freedom at success.
Ayon kay Furne One proud pa din siya sa naabot ni Rabiya. (Dona Dominguez-Cargullo)