Mga nabiktima ng sunog sa Calbayog City, Samar tumanggap ng tulong mula kay Sen. Bong Go

Mga nabiktima ng sunog sa Calbayog City, Samar tumanggap ng tulong mula kay Sen. Bong Go

Namahagi ng tulong ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go sa 22 katao na nabiktima ng sunog sa Calbayog City, Samar.

Sa isinagawang aktibidad, namahagi ng meals, financial assistance, food packs, masks, face shields, at vitamins sa mga apektadong residente.

Isinagawa ang distribusyon by batches para masigurong naipatutupad ang minimum health protocols.

Sa kaniyang video sinabi ni Go na isusulong niya ang modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) para mapagbuti pa ang kakayahan nito sa pagtugon sa fire-related accidents at injuries.

Si Go ang principal author at co-sponsor ng Senate Bill No. 1832 na nagsasaad ng pagkakaroon ng modernization program sa BFP.

Kabilang sa panukala ang pagbili ng mga bagong fire equipment, pagdaragdag ng mga bumbero at pagkakaroon ng specialized training.

“Ako naman po, bilang inyong Senador ay nag-file po ako sa Senado. Ito pong Bureau of Fire Protection Modernization Program. Layunin ng bill na ito na i-modernize pa ang ating Bureau of Fire (Protection) at mabigyan sila ng karagdagang kagamitan at karagdagang personnel para po makatulong kaagad sa inyo. And, of course, itong education (prevention) campaign,” ayon kay Go.

Ani Go taong 2008 pa nang maisabatas ang Fire Code of the Philippines, subalit hindi naging prayoridad ang pagmodernisa ng BFP.

Ang nasabing panukala ay naipasa na sa third at final reading sa Senado noong March 8.

Sasailalim na lamang ito sa deliberasyon ng Bicameral Committee.

May mga kinatawan din mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mamahagi ng tulong-pinansyal sa mga residente.

Habang ang mga kinatawan mula sa Department of Trade and Industry, National Housing Authority, and Technical Education and Skills Development Authority ay nagsagawa ng assessment para sa mga maaring mabigyan ng assistance programs.

Sa mga nangangailangan ng medical assistance, hinikayat sila ni Go na lumapit sa Malasakit Center na nasa Samar Provincial Hospital.

Kasama din sa binanggit ni Go ang mga nagpapatuloy na infrastructure projects ng Duterte Administration.

Sa Calbayog City, sinabi ni Go na kabilang sa mga proyekto ay ang konstruksyon ng slope protection structure sa Catarman-Calbayog Road at ang bagong terminal building ng Calbayog Airport.

Kinilala din ni Go ang mga hakbang provincial at local officials sa pamumuno ni Governor Reynolds Michael Tan at Mayor Diego Rivera, para maproteksyunan ang kapakanan ng mga residente.

“Minsan lang tayo daraan sa mundong ito. Kung anumang kabutihan ang pwede nating gawin sa ating kapwa, gawin na natin ngayon. Basta kami ni Presidente Duterte, patuloy kami na magseserbisyo sa inyo dahil ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” dagdag ni Go.

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *