Service boat ng DA na may lulang mga bakuna kontra COVID-19 lumubog sa karagatang sakop ng Quezon

Service boat ng DA na may lulang mga bakuna kontra COVID-19 lumubog sa karagatang sakop ng Quezon

Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa aksidente sa karagatan na kinasangkutan ng service boat ng Department of Agriculture (DA).

Ayon sa PCG lumubog ang bangka sa karagatan na may 100 metro ang layo sa pampang ng Barangay Ungos, Real, Quezon.

Lulan ng DA service boat ang dalawang kahon na naglalaman ng bakuna ng COVID-19, dalawang Department of Health (DOH) personnel, dalawang pulis mula sa Municipal Police Station (MPS) Polillo, boat captain, at motorman.

Ayon sa mga sakay ng bangka, tumama sa kahoy ang bangka dahilan para ito lumubog.

Nailigtas naman ang lahat ng sakay ng bangka at pawang maayos ang kondisyon.

Aalamin pa naman ng mga eksperto ang kondisyon ng mga bakuna upang matukoy kung pwede pa itong magamit.

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *