Bagyong Crising bahagyang bumilis; Signal No. 1 nakataas pa rin sa maraming lugar sa Mindanao

Bagyong Crising bahagyang bumilis; Signal No. 1 nakataas pa rin sa maraming lugar sa Mindanao

Bahagyang bumilis ang kilos ng tropical depression Crising na ngayon ay nasa bisinidad ng Lanao Del Sur.

Ang bagyo ay huling namataan sa bisinidad ng Marawi City.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugso na aabot sa 75 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa sumusunod na mga lugar:

VISAYAS:
– southeastern portion of Negros Oriental
– Siquijor

MINDANAO
– western portion of Misamis Oriental
– western portion of Bukidnon
– northwestern portion of Cotabato
– northern portion of Maguindanao
– Lanao del Sur
– Lanao del Norte,
– Misamis Occidental
– northeastern portion of Zamboanga del Sur – northeastern portion of Zamboanga del Norte

Ngayong araw ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Zamboanga Peninsula, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Davao del Sur, Cotabato, Maguindanao, Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, at Misamis Occidental.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *