Pilipinas nagpatupad ng travel restrictions sa mga pasahero na galing ng Oman at United Arab Emirates

Pilipinas nagpatupad ng travel restrictions sa mga pasahero na galing ng Oman at United Arab Emirates

Simula sa Mayo 15, bawal na munang pumasok sa bansa ang mga pasahero ba galing ng Oman at United Arab Emirates.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay bilang bahagi ng pag-iingat pa rin ng Pilipinas sa COVID-19.

Bawal aniyang pumasok sa Pilipinas ang mga pasahero na mayroong travel history mula sa Oman at UAE sa nakalipas na labing apat na araw.

Tatagal ang travel restrictions hanggang May 31, 2021.

Hindi naman kasama sa travel restrictions ang mga pasahero na nakabiyahe na at inaasahang darating sa bansa ngayong araw, May 14 hanggang mamayang alas dose ng hating gabi pero kinakailangan na sumailalim sa stricter quarantine and testing protocols, gaya ng oag quarantine ng labing apat na araw at rt pcr test o swab test.

Samantala, tuloy pa rin ang travel restrictions hanggang May 31, 2021 sa mga pasahero na galing ng India, Pakistan, Nepal, Bangladesh at Sri Lanka. (Faith Dela Cruz)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *