Cult leader at dating Dinagat Islands Rep. Ruben Ecleo Jr. pumanaw sa Bilibid
Pumanaw habang nakakulong sa New Bilibid Prisons ang cult leader at dating Dinagat Islands Rep. Ruben Ecleo Jr.
Si Ecleo ay nailipat sa Bilibid noong August 5, 2020 makaraang maaresto sa Pampanga noong July 30, 2020.
Kinumpirma sa Official Facebook Page ng Dinagat Islands Congressional District ang pagpanaw ni Ecleo.
Ayon sa pahayag, Huwebes (May 13) nang pumanaw si Ecleo.
Wala pa namang bianggit na dahilan kung ano ang ikinasawi nito.
“With a heavy heart we regret to announce the passing away of our beloved Ruben “Master Bobong” Ecleo Jr. He joined our Father in the Heavenly Realm today, May 13, 2021. We will be announcing details soon. For now allow us to express our deep sympathy to the family and appreciation for the people’s prayers and affection at this time of grief,” ayon sa pahayag.