Zamboanga City isinailalim sa MECQ; pag-iral naman ng MGCQ sa Tacloban City inaprubahan ng IATF
Inaprubahan ng inter Agency Task Force (IATF) ang apela ng Zamboanga City para mapasailalim ang lungsod sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry ay effective immediately ang MECQ sa Zamboanga City na tatagal hanggang Mayo 14.
Inaprubahan din ng IATF ang apela ng Tacloban City na mapasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Effective din agad ang nasabing utos at ito ay tatagal hanggang Mayo 31.