Pagkakasunud-sunod ng grupong magiging prayoridad sa COVID-19 vaccine inilatag ng pamahalaan
Inilatag ng pamahalaan ang pagkakasunod-sunod ng grupong magiging prayoridad sa pagbabakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque batay ito sa napagpasyahan ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG).
Unang babakunahan ang mga frontline workers sa mga health facilities at sunod naman ang mga senior citizen.
Sa inilatag na guidelines, narito ang priority population groups para sa pagbabakuna:
A1: Frontline workers in health facilities both national and local, private and public, health professionals and non-professionals like students, nursing aides, janitors, barangay health workers, etc.
A2: Senior citizens aged 60 years old and above
A3: Persons with comorbidities not otherwise included in the preceding categories
A4: Frontline personnel in essential sectors including uniformed personnel and those in working sectors identified by the IATF as essential during ECQ
A5: Indigent population not otherwise included in the preceding categories
B1: Teachers, Social Workers
B2: Other Government Workers
B3: Other essential workers
B4: Socio-demographic groups at significantly higher risk other than senior citizens and indigenous people
B5: Overseas Filipino Workers
B6: Other Remaining Workforce
C: Rest of the Filipino population not otherwise included in the above groups
Sa pagpili ng lugar para sa sub-prioritization, ibabase ito dapat sa (1) dami ng kaso ng COVID-19 at (2) availability ng vaccination site o kahandaan ng Local Government Unit.