Mga nagpositibo sa COVID-19 na tauhan ng BI halos 80 na
Nadagdagan pa ang bilang ng mga empleyado ng Bureau of Immigration na tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, umabot na sa 78 nilang empleyado ang nagka-covid pero ang magandang balita, 29 na sa mga ito ang gumaling na sa sakit at isa nalang ang naka-admit sa ospital.
Paliwanag ni Morente, 44 sa mga nagpositibo ay pawang asymptomatic habang ang iba ay mayroon lamang mild symptoms na dinala na sa quarantine facilities ng gobyerno at patuloy na nagpapagaling.
Ayon kay Dr. Marites Ambray, BI Medical Section Chief, mayroong 76 na iba pang empleyado ng Immigraton ang isinailalim narin sa isolation at home quarantine matapos matukoy na mga probable covid-19 cases dahil nagkaroon ng exposure sa mga kapwa empleyadong nagka-COVID.
58 Aniya sa mga suspected COVID-19 carriers at nabigyan na ng clearance at pinayagan na ulit makabalik sa kanilang mga trabaho habang ang 18 iba pa ay nanatiling naka-home quarantine.
Nag-isyu narin ng direktiba ang Administratice Division ng Immigration para sa mandatory na pagsusuot ng face shield at face masks sa lahat ng opisyal at empleyado nito kapag papasok sa trabaho.
Mahigpit na ipatutupad ang no-face mask at no-face shield no-entry sa mga tanggapan ng Immigration.