Mahigit 23M na mag-aaral nakapag-enroll na para sa SY 2020-2021

Mahigit 23M na mag-aaral nakapag-enroll na para sa SY 2020-2021

Umabot na sa mahigit 23 million na mga mag-aaral ang nakapag-enroll na para sa SY 2020-2021.

Sa datos mula sa Department of Education (DepEd) 23,053,197 na mga mag-aaral na ang nakapagpa-enroll.

Sa nasabing bilang 21,463,111 ang nagpatala sa mga pampublikong paaralan.

1.55 million naman ang nagpa-enroll sa private schools.

Malaking bilang ng enrollees ay sa elementarya na umabot sa 11,272,700.

May nagpa-enroll din na 7,249,900 para sa junior high school habang 2,530,634 sa senior high school.

Madaragdagan pa ang bilang ng enrollees dahil patuloy pa ang enrollment sa ilang pribadong paaralan.

 

Follow us on Twitter: https://twitter.com/NewsFlashPH
Like us on Facebook: https://www.facebook.com/newsflashwebsite

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *