Laboratoryo na hindi nakapagsusumite ng COVID-19 report sinuspinde ng DOH

Laboratoryo na hindi nakapagsusumite ng COVID-19 report sinuspinde ng DOH

Pinatawan ng suspensyon ng Department of Health (DOH) ang isang laboratoryo dahil sa non-compliance o hindi pagsunod sa reportorial requirement o pag-uulat sa mga resulta ng COVID-19 tests.

Kinumpirma ito ni Health Usec. at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire sa virtual press briefing.

Ayon kay Vergeire, noong Dec. 29, 2020 ipinataw ang suspensyon.

Hindi kasi nakapagsusumite ng report sa COVID-19 data repository ang laboratoryo.

Ayon pa kay Vergeire, inihahanda na rin ng DOH ang pag-iisyu ng suspension order laban sa apat pang laboratoryo sa bansa na patuloy na non-compliant sa pag-uulat ng COVID-19 test results.

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *