Health Sec. Francisco Duque, hindi magpapaturok ng bakuna ng Sinovac
Hindi magpapaturok ng COVID-19 vaccine ng Sinovac si Health Secretary Francisco Duque III.
Ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH), ang Sinovac Vaccine ay hindi inirerekomenda sa mga edad 60 pataas.
Si Duque ay edad 64 na.
Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo ang CoronaVac ng Sinovac ay dapat lamang ibigay sa mga clinically healthy individual na edad 18 hanggang 59.
Mas mataas kasi ang efficacy rates ng nasabing bakuna sa naturang age group.