COVID-19 vaccine galing China darating na sa bansa sa Linggo (Feb. 28)
Sa araw ng Linggo, February 28 darating na sa bansa ang bakuna kontra COVID-19 na galing China.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, darating na sa Linggo ang Sinovac vaccines.
Ang bansang China ay nag-donate ng 600,000 doses ng Sinovac vaccines sa Pilipinas.
100,000 dito ay para sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kinumpirma din ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na sa Linggo darating ang 600,000 doses ng Sinovac-made vaccines.
Binanggit ng ambassador ang pagiging magkaibigan ng Pilipinas at China at pagtutulungan sa oras ng pangangailangan.
“It is a fine tradition between China and the Philippines to help each other in trying times. A friend in need is a friend indeed,” ayon kay Ambassador Huang Xilian.