VAT refund program para sa non-resident tourists nilagdaan ni Pang. Marcos bilang ganap na batas
Nilagdan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas kaugnay sa pagbibigay ng refund sa ibinayad na Value Added Tax (VAT) ng mga non-resident tourists sa bansa.
Layunin ng batas na makaakit ng ng mas maraming non-resident tourists sa bansa sa pamamagitan ng paglalatag ng VAT Refund System.
Sa kaniyang speech sa seremonya sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na magreresulta din ang batas ng mas mataas na spending sa mga turista at makatutulong ito sa ekonomiya ng bansa.
“It is no secret that shopping has become an essential part of the travel experience, and we are poised to capitalize on that momentum. In 2023, the Philippine tourism sector played an instrumental role in our nation’s economic recovery, contributing an impressive 8.6 percent to the GDP. Within this significant share, shopping emerged as the second largest expenditure for inbound tourists,” ayon sa pangulo
Sa ilalim ng programa, ang mga turista ay maaaring mag-claim ng refund sa VAT ng mga produktong kanilang binili na nagkakahalaga ng P3,000 pataas.
Ayon sa pangulo inaasahang makapagtalala ng 30 percent increase sa tourist spending dahil sa nasabing batas.
Dahil dito, tiyak na makikinabang ang large-scale industries at micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
“These products tell our story, and now, with the VAT refund, they will be able to be more accessible to global consumers, elevating once again our stature in the global market,” dagdag pa ng pangulo.
Inatasan ng pangulo ang Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na maglatag ng rules and regulations para epektibong maipatupad ang VAT refund process. (DDC)