Pagrespeto sa relihiyon at kultura sa mga kulungan sa bansa isinusulong
Sa pangunguna ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) inilunsad ang “Handbook on Islam in Places of Detention,” na nagbibigay-diin sa mahalagang pagsusulong sa pagrespeto para sa relihiyon at kultura sa correctional system ng bansa , na ginanap sa Novotel Hotel, Quezon City ngayong June 4.
Dinaluhan ito ng mga stakeholders at mga kinatawan ng Bureau of Corrections sa pamumuno ni Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., Bureau of Jail Management and Penology Chief, JDir. Ruel S. Rivera, Police General Rommel Francisco Marbil , Sheikh Sabuddin Abdurahim, Secretary, National Commission on Muslim Filipinos, Richard Palpal-Latoc , Chairman ng Commission on Human Rights at Presidential Adviser on Muslim Affairs Almarim Centi Tillah.
Ang nasabing libro ay pagpapakita ng pagtutulungan sa pagitan ng PNP, BuCor, BJMP, NCMF, at CHR, na isang inisyatibang sinimulan noong 2023.
Ayon sa UNOCD,ang handbook na ito ay dinisenyo upang suportahan ang custodial officers na unang humaharap sa mga jails, prisons, at iba pang lugar ng kulungan sa Pilipinas maging ang mga senior managers at decision-makers ng mga ahensiya na reaponsable para sa kustodiya ng persons deprived of liberty (PDLs).
Layunin nitong ayudahan ang pagbabago at implementasyon ng mga polisiya na mangangalaga sa kultura ng sensitibong kapaligiran upang siguruhin ang pagtrato sa PDLs na naaayon sa pamantayang internasyunal.
Sinabi ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na ang handbook ay magiging parte ng hinahangad na reporma na makatutulong sa maraming paraan at magsisilbing gabay sa mga corrections officers sa kanilang pang-araw araw na aktibidad at pagtrato sa mga kapatid nating Muslim.
Gayunman ang BuCor ay bukas-palad sa pagpapahintulot sa lahat ng organisasyong pangrelihiyon na gawin ang kanilang pananampalataya at trinatrato sila ng patas sa kanilang reformation program.
Patunay ito nang maitalaga bilang Director General si Catapang kung saan ang unang kautusan nito sa lahat ng PDLs ay hanapin ang kanilang relihiyon dahil tayo aniya ay magkakaiba ng relihiyon subalit may iisang Diyos kaya mayroong kapayapaan at pagkakaisa sa ating bansa. (Bhelle Gamboa)