51 percent sa mahigit 131,000 Farm-to-Market Road Network Program ng pamahalaan natapos na ayon kay Pang. Marcos

51 percent sa mahigit 131,000 Farm-to-Market Road Network Program ng pamahalaan natapos na ayon kay Pang. Marcos

Ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na 51% mula sa mahigit 131,410 kilomettro na target na Farm-to-Market Road Network Program ang natapos na.

Ito ay kahit isa at kalahating taon pa lamang na nanunungkulan sa Malakanyang si Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, mula sa naturang target, 67,328.92 kilometro na ang naipagawa o 32 beses na road trips mula Aparri hanggang Jolo.

“I am happy to share a significant update sa ating Farm-to-Market Road Network program. Ang ating dapat na maging target is 131,410.66 kilometers sa anim na taon, maaari ko nang mai-report na 51 percent of that nabuo na natin,” pahayag ni Pangulong Marcos sa maikling video message.

Pangako ni Pangulong Marcos sa publiko, tatapusin ang 131,410.66 kilometrong target bago matapos ang kaniyang administrasyon.

Palalakasin din ni Pangulong Marcos ang “Build, Better, More” Program ng pamahalaan. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *