Lalaki inaresto sa Tawi-Tawi dahil sa bomb threat
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang lalaking lulan ng isang ferry sa Port Bongao sa Tawi-Tawi dahil sa bomb threat.
Ayon kay PCG Admiral Ronnie Gil Gavan, dinakip si Salahuddin Absin Sapii.
Isang pasahero umano ang nagsumbong sa PCG na tinangka siyang patayun ng suspek at nag-aamok ito habang sakay ng ferry.
Dahil dito rumesponde ang mga otoridad subalit nagawa pa ng suspek na manuntok ng sea marshal ng Philippine Marine Corps (PMC).
Dalawang tauhan naman ng PCG ang tumulong sa sea marshal para maaresto ang suspek.
Habang dinadakip, sinabi pa ng suspek na may nilagay siyang pambasabog sa barko.
Matapos naman ang inspeksyon ay idineklarang negatibo sa bomba ang barko at pinayagan na ding makasakay ang mga pasahero nito. (DDC)