LTFRB nagpalabas ng guidelines sa pagkuha ng Fuel Subsidy Card

LTFRB nagpalabas ng guidelines sa pagkuha ng Fuel Subsidy Card

Inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang guidelines kung paano makukuha ng mga benepisyaryo ang kanilang Fuel Subsidy Card.

Ayon sa LTFRB, kailangan munang alamin sa LTFRB Regional Franchising and Regulatory Office (RFRO) kung saang branch ng Landbank of the Philippines (LBP) maaaring makuha ang iyong Fuel Subsidy Card (FSC).

Sa sandaling matukoy na ay maaari ng puntahan ang Landbank branch at dalhin ang mga sumusunod na dokumento:

– Isang (1) Valid Government-issued ID ng franchise holder
– Orihinal na kopya ng LTO Official Receipt at Certificate of Registration (OR/CR)
– Orihinal na kopya ng Certificate of Public Convenience (CPC)
– Pirmadong Deed of Undertaking

Mayroong form na kailangang punan at maaari itong ipasa sa email ng LTFRB Regional Office na kinabibilangan ng benepisyaryo.

Hintayin lamang ang kompirmasyon mula sa Landbank sa pamamagitan ng email bago magtungo kanilang branch na nakatakda para sa pagkuha ng FSC.

Ang Fuel Subsidy Card ay maaaring magamit ng mga benepisyaryo sa mga gasolinahan.

Naglabas din ang LTFR ng listahan ng mga piling gasolinahan kung saan maaaring magamit ang nakalaang subsidiya.

Makatatanggap ng P10,000 subsidiya ang bawat operator ng modern PUJs at UV Express na kwalipikado sa programa.

Habang P6,500 naman ang ipamamahagi sa kada operator ng iba pang nabanggit na pampublikong sasakyan, modern man ito o hindi.

Samantala, sa pangunguna ng DICT at DTI, bibigyan naman ng nagkakahalagang P1,200 na subsidiya ang bawat delivery service rider na kwalipikado sa programa.

Habang P1,000 naman ang ipagkakaloob sa mga tsuper ng tricycle sa pangangasiwa ng DILG. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *