LPA sa Southeastern Luzon naging ganap na bagyo; posibleng umabot sa Super Typhoon category ayon sa PAGASA
Naging ganap ng bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa Luzon.
Ang bagyo na pinangalanang Egay ng PAGASA ay huling namataan sa layong 900 kilometers East ng Southeastern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong north northwest.
Ayon sa PAGASA, sa Linggo ng umaga hanggang Lunes ng umaga, ang bagyo ay magdudulot ng pag-ulan sa Catanduanes at sa Northern Samar.
Sa mga lugar na hindi direktang maaapektuhan ng bagyo, makararanas naman ng pag-ulan dahil sa Habagat.
Sa Linggo, magpapaulan ang Habagat sa western sections ng MIMAROPA at Visayas.
Sa Lune at Martes naman, magpapaulan din ang Habagat sa weatern sections ng Southern Luzon at sa Western Visayas.
Ayon sa PAGASA, sa susunod na 12-oras lalakas pa ang bagyo at magiging Tropical Storm.
Posibleng umabot din ito sa Super Typhoon category sa Lunes ng gabi o sa Martes ng umaga. (DDC)