Luzon Grid isinailalim sa yellow alert ng NGCP
Inilagay sa Yellow Alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid.
Bunsod ito ng manipis na reserba ng kuryente sa Luzon.
Ayon sa NGCP, ang available capacity ay 12,705 megawatts habang ang peak demand ay 12,222 megawatts.
Ang pag-iral ng Yellow Alert ay mula 1:01 ng hapon hanggang 4:00 ng hapon. (DDC)