Mahigit 600,000 agrarian reform beneficiaries mabibigyan ng pag-aaring lupa

Mahigit 600,000 agrarian reform beneficiaries mabibigyan ng pag-aaring lupa

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act (RA) No. 11593 o New Agrarian Reform Emancipation Act na layong mamahagi ng lupain sa mga magsasakang Pilipino.

Sa ilalim ng nasabing batas, aabot sa mahigit 610,000 na agrarian reform beneficiaries o ARBs ang magiging ganap nang may-ari ng lupang bigay sa kanila ng pamahalaan.

Binibigyan din ng condonation sa ilalim ng batas ang lahat ng hindi bayad na amortization ng mga magsasaka, kasama na ang interests at surcharges para sa mga lupang naio-award sa ilalim ng RA. 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law.

Matapos ganap na malagdaan ang batas ay pinangunahan din ng pangulo ang awarding ng land titles sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).

Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga ARB na paunlarin ang kanilang lupang sakahan.

Tiniyak din nito ang suporta ng pamahalaan sa kanila at kanilang pamilya sa pamamagitan ng mabilis na paggawad ng titulo, credit facilities, support services at infrastructure development. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *