Pagkakaroon ng makabuluhang plastic treaty panawagan ng grupong BAN Toxics

Pagkakaroon ng makabuluhang plastic treaty panawagan ng grupong BAN Toxics

Nanawagan ang grupong BAN Toxics sa mga bansang kalahok sa international negotiations (INC-2) sa Paris, France na magkaroon ng treaty para mabawasan ang paggamit ng plastic sa mundo.

Ayon kay Jam Lorenzo, Policy and Research Associate ng BAN Toxics ang INC-2 ay magandang oportunidad para makabuo ng makabuluhang treaty na makapagsasawata sa plastic pollution.

“Our involvement in the GPT process is our commitment to ensure that the treaty reflects our goals of protecting the environment and upholding our rights,” ani Lorenzo.

Nasa Paris ngayon si Lorenzo kasama ang iba pang civil society groups.

Sa datos mula sa World Bank, ang Pilipinas ay mayroong 2.7 million tons ng plastic waste kada taon kung saan nong 2019, 28 percent lamang ang nai-recycle.

Tinawag din ang Pilipinas bilang ‘sachet economy’ dahil base sa pagtaya ng GAIA noong 2019, ang Pilipinas ay gumamit ng 59.8 billion na piraso ng plastic sachet.

Ayon sa BAN Toxics, bilang island country, dapat magkaroon ng paninindigan para malabanan ang plastic crisis.

“We strongly urge the Philippine government to promote a comprehensive approach to reduce plastic pollution by addressing the full lifecycle of plastic, prioritizing prevention and the precautionary principle. Moreover, sustainable production and consumption of plastics should include a mechanism for controlling virgin plastic production through caps, phase downs, and polymer restrictions. Reimagining the design of plastic products is another essential element that can be achieved through sustainability criteria, restrictions, and requirements.” ayon sa grupo.

Isinulong din ng BAN Toxics ang pagkakaroon ng transparency sa chemical constituents ng plastic.

Ani Lorenzo, dapat mayroong proper labeling at disclosure ng mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng plastic. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *