8.6 percent inflation rate naitala noong Pebrero

8.6 percent inflation rate naitala noong Pebrero

Bahagyang bumagal ang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo noong nagdaang buwan ng Pebrero 2023.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 8.6 percent inflation rate noong nakaraang buwan, mas mababa kumpara sa 8.7 percent lamang noong Pebrero.

Ayon kay National Statistician and PSA chief Claire Dennis Mapa, ang bahagyang pagbaba ayon sa PSA ay dahil sa pagbagal ng transport inflation.

Mas bumaba kasi ang presyo ng gasolina at diesel noong Pebrero kumpara noong Enero.

Sa overall inflation noong nakaraang buwan, pangunahing nag-ambag ang Food and Non-Alcoholic Beverages.

Ayon sa PSA, bumaba ang presyo ng mga gulay, isa at iba pang seafoods at karne noong Pebrero kumpara noong Enero. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *