Kasunduan para mapalakas ang E-Commerce sa pagitan ng Pilipinas at China, nilagdaan
Lumagda ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Ministry of Commerce ng China sa isang kasunduan para mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas at China sa larangan ng e-commerce.
Kapwa lumagda sina DTI Secretary Fred Pascual at Chinese Minister of Commerce Wang Wentao sa Memorandum of Understanding on Electronic Commerce Cooperation na sinaksihan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ilalim ng MOU, nagkasundo ang dalawang bansa sa sumusunod:
– Promoting trade of high-quality featured products and services
– Pursuing business exchanges between MSMEs and e-commerce platforms, start-ups, and logistics service providers;
– Sharing of best practices and innovative experiences in utilizing e-commerce
Kapwa nagkasundo ang dalawang bansa na magkaroon ng enabling environment para mas mapalago pa ang e-commerce na kapwa pakikinabangan ng Pililipinas at China. (DDC)