Mga panukalang batas na layong palakasin ang kahandaan ng bansa sa public health emergencies isinulong ni Senator Bong Go
Isinulong ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang mga panukalang batas na makatutulong sa pagtugon ng bansa sa pandemya.
Sa pagdinig sa senado noong Huwebes, May 6, isinulong ni Go ang mga panukalang batas na layong paigtingin ang kahandaan ng bansa sa mga pandemya gaya na lamang ng nararanasan ngayong mayroong COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Go na maisasakatuparan ito kung matutugunan ang mga kakulangan ng health care system ng bansa.
Sa kaniyang speech bilang chairman ng Committee on Health sinabi ni Go na kailangang mapalawig ang kapasidad ng health care system para matugunan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region at mga karatig na lalawigan.
Kinilala din ni Go ang tungkulin at sakripisyo ng mga frontline medical workers at sinabing kailangan ding paigtingin health workforce sa bansa.
“Ngayong pandemya, problema natin ang kakulangan natin sa hospital beds, particularly [intensive care unit] beds. Kinakailangan po natin magtayo ng temporary facilities and modular hospitals for COVID-19 cases. But aside from these facilities, equally important is the service of our health care workers,” ayon kay Go.
Kasabay ng pagdagsa ng mga pasyente sa mga ospital, labis din aniyang nahihirapan na ang mga medical frontliner.
Kasabay nito ay nagpasalamat si Go sa sakripisyo ng mga medical frontliners at volunteers sa kanilang serbisyo kasunod na din ng paggunita sa Health Workers’ Day noong May 7.
Binanggit ni Go ang mga Visayan medical frontliners na boluntaryong nagpatalaga sa Metro Manila para tumulong sa pagtugon sa pandemya.
“Some health workers in the Visayas expressed willingness to be deployed to NCR Plus areas. I am very thankful to them. They are one of the reasons for making us believe that the spirit of bayanihan continues to live within the hearts of Filipinos,” dagdag ni Go.
Para matugunan ang kakulangan ng medical personnel sa bansa, naghain si Go ng Senate Bill No. 1451 noong April 2020 na layong makapagtatag ng Medical Reserve Corps.
Sa ilalim ng panukala, ang mga bahagi ng Medical Reserve Corps ay pwedeng i-mobilize ng pamahalaan kapag kakailangan.
“Even [President Rodrigo Duterte], in his recent State of the Nation Address, has acknowledged the need for this measure. We need a Medical Reserve Corps that may be called upon and mobilized to assist the national government and the local government units in their functions related to addressing the medical needs of the public in times of national emergencies,” paliwanag ng senador.
Noong May 4 naman inihain ni Go ang SBN 2158 na layong makapagtatag ng Center for Disease Control and Prevention sa bansa.
Ayon sa senador, magsisilbi itong principal agency para sa pag-kontrol ng paglaganap ng infectious diseases at sa pagbuo ng implementing communicable disease control and prevention initiatives.
Sa ibang mga bansa ayon kay Go ay malaking tulong ang pagkakaroon ng Centers for Disease Control.
“In other countries, Centers for Disease Control have been instrumental in this pandemic. As experts in the field of infectious diseases, they are at the forefront of the health battle against COVID-19. It is high time for us to strengthen our health units and have our own CDC. President Duterte also acknowledges this and has urged Congress to pass this important measure,” sinabi pa ni Go.
Ayon kay Go ang nararanasan ngayon ay maituturing na “learning experience” hindi lamang sa sa pamahalaan kundi sa lahat ng mamamayan.
Mahalaga aniyang magkaroon na ng long-lasting plans para sa maka-recover ang bansa sa pandemyang ito at para na rin sa hinaharap.
Sa nasabing pagdinig, tinalakay din ang iba pang panukalang batas na makatutulong sa pagtugon ng bansa sa pandemya.
Kabilang dito ang SBN 1527 at 1592 na layunin ding makabuo ng Medical Reserve Corps.
Ang nasabing mga panukala ay isinulat nina Senators Pia Cayetano at Imee Marcos.
Ang Senate Bills 1450 at 1440, naman nina Senators Grace Poe at Richard Gordon ay layon ding makapagbuo ang bansa ng Center for Disease Control and Prevention.
Habang ang SBN 1443, 1444, 1922 at 1801 ay layong magkaroon ng inter-agency council o task force na tutugon sa public health emergencies.
Ang author naman ng nasabing mga panukala ay sina Senators Cayetano, Emmanuel Pacquiao, Nancy Binay at Risa Hontiveros.