Pagpapatupad ng price ceiling sa baboy at manok pinababantayan sa LGU

Pagpapatupad ng price ceiling sa baboy at manok pinababantayan sa LGU

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na tiyaking maipatutupad ang price ceiling sa baboy at manok.

Nais masiguro ng DILG na mababantayan ng tama ang pagpapatupad ng 60-day price ceiling base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay DILG Officer-in-Charge Usec. Bernardo Florece, Jr. nilagdaan ang Executive Order (EO) No. 124 ni Pangulong Duterte para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng karne ng baboy at manok.

“Umaaray na ang ating mga kababayan sa taas ng presyo ng mga bilihin partikular ang baboy at manok and we have to act on their complaints. We therefore direct our Metro Manila Mayors to comply with EO 124 signed by the President and ensure that prices of pork and chicken are regulated in their localities,” ayon kay Florece.

Bagaman sa Metro Manila lamang iiral ang EO, hinimok ni Florece ang LGUs sa labas ng NCR na i-activate ang kanilang Local Price Coordinating Council (LPCC) para masigurong walang mananamantala sa presyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *