Babala ng isang transparency watchdog, investment ng China sa Pilipinas maaring magamit sa espionage
Maaring magamit sa paniniktik o espionage ang investments ng bansa China sa Pilipinas kabilang na ang investment sa telecommunication.
Ito ang ibinababa ni Bencyrus Ellorin, convenor ng Pinoy Aksyon na isang top advocacy group sa bansa.
Ayon kay Ellorin sa nakalipas na mga taon, ang China ay nag-iinvest sa artificial Intelligence (AI) para mas mapalakas pa ang kanilang ekonomiya, political influence at global power, gayundin sa pagpapalakas ng kanilang militar lalo na sa mga kagamitang makabago o cyber warfare capabilities.
“Today, you see China backing its companies in investing in different parts of the world and it is using its money to offer multi-billion loans especially to poor countries like the Philippines. This becomes a problem as there are hidden strings that come with these loans,” ani Ellorin.
Dagdag pa ni Ellorin, sa ilalim ng Article 7 ng 2017 National Intelligence Law ng China, nakasaad states na dapat sumuporta ang kanilang mga mamamayan sa intelligence work ng bansa.
Mayroon din aniyang Counter-Espionage Law ang China noong 2014 na nagsaad na maaring mag-imbestiga at kumuha ng ebidensya ang estado at ang anumang organisasyon o sinumang indibidwal ay hindi maaring tumanggi dito.
Binanggit din ng grupo ang paggamit ng China ng teknolohiya para ipatupad ang kanilang surveillance sa Uighur Muslim minority sa Xinjiang Province na naging kontrobersyal kamakailan.
Kamakailan lumabas sa news article sa “Atlantic” na nagtalaga ang China ng drones sa Xinjiang na karamihan sa mga naninirahan ay Uighur Muslims para i-monitor ang galaw ng mga residente.
“The area is now subject to a heightened level of surveillance, with authorities collecting DNA samples, fingerprints, iris scans, voice samples, and blood types from residents,” ayon sa artikulo.
Nag-angkat din diumano ang China ng home-grown technology na maaring magamit sa upang magkaroon sila ng access sa foreign security apparatuses.
Inihalimbawa ang ginawang paglulunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng surveillance system project nito na “Safe Philippines” sa Metro Manila noong 2019, kung saan mayroong 12,000 surveillance cameras na mayroong facial recognition technology ang ginamit.
Sa nasabing proyekto, ang Pilipinas ay nakipag-partner sa Huawei at sa China International Telecommunication and Construction Corporation (CITCC) at humiram ng halos $400 million para sa proyekto.
“Chinese AI and technology are becoming increasingly utilized in other areas of the Philippines, as well, to include within the nation’s enormous call center industry and the country’s popular Dito Telecommunity phone service,” ayon din sa artikulo.
Ayon sa pahayag ang telco project ng China sa Pilipinas at ang sitwasyon ng Ughur Muslim ay magkahalintulad na sitwasyon.
Sa ngayon ayon sa Pinoy Aksyon, ang Dito Telecommunity ay agresibo nang nagre-recruit ng kanilang subscribers. Ang state-owned China Telecom ay mayroong 40 percent ownership sa Dito Telecommunity.
Dahil dito ayon sa Pinoy Aksyon, ang Dito ay posibleng ginagamit na ng mga otoridad sa China parfa manmanan ang Pilipinas.
Ang network infrastructure ng Dito ay powered ng kumpanyang Huawei, ang kumpanya na pinondohan ni dating People’s Liberation Army Deputy Regimental Chief, at ng partially state-owned na ZTE na naging kontrobersyal noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa mga alegasyon ng korapsyon at bribery.
Noong December 2019, inilahad din ng China ang regulasyon na nag-aatas sa Chinese telecom companies na gumamit na ng facial recognition technology para maberipika ang the identity ng mga tao na nagbubukas ng kanilang new mobile phone accounts.
Babala ng grupo ang Chinese companies gaya ng Dito Technology ay saklaw ng mga batas ng China at maaring banta sa seguridad.
Ayon pa sa Pinoy Aksyon ang “City of Pearl” project sa Maynila Manila mnoong 2017 na layong i-promote ang lungsod bilang “smart city” gamit ang AI ay maari ding magamit ng China sa surveillance.
Hinikayat ng grupo ang publiko na tutulan ang anumang pagtatangka na amyendahan ang Public Service Act sa Pilipinas kung saan mapapayagan na ang 100 percent foreign ownership ng public utilities kabilang na ang telecommunications.
Kapag nangyari kasi ito ay maaring mapayagan na ang China na magkaroon pa lalo ng surveillance capability at kontrol sa mga sensitibong imprastraktura sa bansa.
Una nang tinutulan ni Sen. Risa Hontiveros ang pag-amyenda sa nasabing batas at nagbabala na maari itong makasama sa Pilipinas.