Lahat ng empleyado ng Barangay San Jose sa Montalban, Rizal pinagbibitiw sa pwesto

Lahat ng empleyado ng Barangay San Jose sa Montalban, Rizal pinagbibitiw sa pwesto

Inatasan ni Acting Barangay Captain James Philip Marcelo ang lahat ng empleyado ng Barangay San Jose sa Montalban, Rizal kabilang ang mga department head na magbitiw sakani-kanilang pwesto.

Sa inilabas na kautusan ni Marcelo, inaatasan ang lahat na magsumite ng kanilang courtesy resignation, maliban lamang sa kasalukuyang Barangay Treasurer at barangay Secretary.

Ayon kay Marcelo, layunin nitong makapagsagawa ng proper assessment at evaluation sa performance ng mga staff at opisyal ng barangay.

Inatasan din ang lahat na isuko na ang lahat ng hawak nilang pag-aari ng barangay gayundin ang kanilang Employee ID.

Nagpahayag naman ng pagtutol sa nasabing kautusan ang suspendidong kapitan ng Barangay San Jose na si Glenn Evangelista.

Ayon kay Evangelista, bagaman siya ay napatawan ng “preventive suspension” ay may apela siyang nakahain sa korte.

Sinabi ni Evangelista na siya ay hindi pa “terminated” o “removed” sa pwesto.

Aniya ang nakaambang pagtanggal sa mga staff at opisyal ng barangay ay malaking paglabag sa karapatang pantao at magdudulot ng pagka-paralisa sa pang-araw araw na operasyon ng Barangay.

Apela ni Evangelista kay Marcelo, huwag gamitin ang politikal na usapin at huwag idamay ang mga ordinaryong kawani ng barangay na ang hangad lamang ay magtrabaho at mabuhay ang kani-kanilang pamilya.

Si Evangelista ay nasuspinde sa pwesto noong May 14, 2021. Ang suspensyon ay hanggang dalawang buwan.

Bunsod ito ng reklamong “misconduct” na isinampa laban kay Evangelista ni Montalban Councilor Onat Umali kaugnay sa umano ay paglabag ni Evangelista sa rules ng IATF na nagbabawal sa mass gathering.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *